_ngayon
^

Mag-asawang ‘tulak’ huli sa buy-bust

Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - May 5, 2021 - 12:00am

DUPAX DEL NORTE, Nueva Vizcaya, Philippines — Nadakip ng mga awtoridad ang mag-asawa na itinuturing na “high value individuals” (HVI)  matapos mahulog sa ikinasang drug buy-bust operation sa Barangay Ineangan ng bayang ito kamakalawa.

Kinilala ni P/Col. Ranser Evasco, provincial police director ng Nueva Vizcaya ang nadakip na mga suspek na sina Primar Sansano, 39, Catherine Sansano, 35, kapwa residente sa nabanggit na lugar.

Sa ulat, nagpanggap na buyer ang isang pulis sa inilatag na buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Nueva Vizcaya Provincial Intelligence Unit/Provincial Drug Enforcement Unit, Philippine Drug Enforcement Agency-Nueva Vizcaya at Dupax del Norte Police-DEU na nagresulta sa matagumpay na pagkadakip ng mag-asawa sa Dahlia Street, Purok 6 ng nasabing barangay.

Nasamsam ng mga operatiba mula sa mag-asawa ang 6-heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu, 1 sling bag, cash na nagkakahalaga sa P1,220 at P1,000 marked money na ginamit sa operasyon.

Ang mag-asawa na nakapiit sa Dupax del Norte Police Station ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with