^

Probinsiya

Rider sumalpok sa puno, utas

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Utas ang isang 23-anyos na rider matapos sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang puno sa gilid ng kalsada Brgy. Anduyan, Tubao, La Union kamakalawa. 

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Patrick Harvey Cruz na residente ng Brgy. Magsaysay sa naturang bayan.

Ayon sa report, nabigong kalkulahin ni Cruz ang kurbadang daan na tinatahak nito kaya’t nawalan siya ng kontrol at sinalpok ang isang punong kahoy sa gilid ng kalsada dakong 10 ng gabi.

Sinikap isugod ng mga sumaklolo ang biktima sa La Union Medical Center sa Agoo kung saan ito idineklarang patay. 

Pauwi na mula sa isang kasayahan ang biktima at wala itong suot na helmet nang maganap ang aksidente.

AKSIDENTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with