^

Probinsiya

Magpinsan tiklo sa drug bust

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Quezon, Philippines — Arestado ang magpinsan sa isinagawang anti-drug ­operation ng mga operatiba ng Quezon at Lucena PNP Drug Enforcement Unit sa Barangay 10 sa lungsod na ito, kamakalawa ng gabi.

Base sa ulat ni PCol.­Ericson Dilag, Quezon PNP Provincial Director, nakilala ang mga nadakip na sina Dennis Causapin, 45, binata, security guard, nakatira sa Barangay Cotta at kabilang sa mga talaan ng High Value Individual ­( HVI) at dating mi­yembro ng Talag drug group na ang operasyon ay umiikot sa ikalawang distrito ng lalawigan ng Quezon; at Andie Causapin, 34, binata ng Barangay Mayao Kanluran.

Ayon kay PMajor Lauro Moratillo, chief ng PDEU ng Quezon PNP, isinagawa nila ang buy bust operation sa magpinsan dakong alas 9:15 ng gabi.

Nakuha buhat sa pag-iingat ng mga suspek ang dalawang coin purse na naglalaman sa kabuuan ng 2.8 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P57,120.00, at P500 marked money.

vuukle comment

DRUG BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with