^
Dalawang NPA rebels dedo sa engkuwentro
Kinilala ang mga nasawi na sina Felimon Suazo, a.k.a. Jonathan Cruz/Nathan at James Cordero, a.k.a. James/Tito habang naaresto naman si Elvie Doctor, a.k.a. Bangkat/Nanang.
Joven Cagande

Dalawang NPA rebels dedo sa engkuwentro

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2021 - 12:00am

TIGBAO, Zamboanga del Sur, Philippines — Patay ang dalawang kasapi ng New People’s Army (NPA) nang makaengkuwentro ang tropa ng pamahalaan habang isa ang naaresto sa Barangay Guinlin sa bayang ito, kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Felimon Suazo, a.k.a. Jonathan Cruz/Nathan at James Cordero, a.k.a. James/Tito habang naaresto naman si Elvie Doctor, a.k.a. Bangkat/Nanang.

Sa ulat mula kay WestMinCom Commander Lt. Gen. Cor­leto Vinluan, Jr., nagsa­­gawa ng joint law enforcement operation ang tropa ng 53rd Infantry Battalion at Tigbao Municipal Police Station ng kanilang ma­kasagupa ang anim na mga NPA alas-5:00 ng madaling araw.

Papalapit pa lamang ang tropa ng pamahalaan sa lokasiyon ng kalaban nang sila ay paputukan ng mga NPA hanggang sa nagka­bakbakan na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang rebelde.

Napag-alaman na si Suazo ay miyembro ng executive committee ng Western Min­danao Regional Party Committee, Political Instructor (PI)/Finance at miyembro ng squad 1 of the defunct Main Regional Guerilla Unit.

Narekober ng tropa ng pamahalaan ang isang M16 attached with M203 Grenade Launcher, isang 9mm pistol, isang cal. 45 pistol, apat na 40mm ammunition, four maga­zines ng M16 loaded with 75 rounds of ammunition at mga NPA propaganda materials.

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with