^
Nurse, 3 pa dakip sa drug bust
Kinilala ng Police­ Regional Office 02 ang mga nadakip na sina Richard Francis Va­len­cia, 42, nurse, re­sidente ng Barangay­ Dacalla Fugu, Camalaniugan, Cagayan; Ronaldo Ali­n­gog, 26, ng Zone 4 Research, Barangay Minante 1, Cauayan City; Angelo Bodollo, 20, at Joker Solda, 27, kapwa residente ng Barangay Cabaruan, Cauayan City sa lalawigan ng Isabela.
KJ Rosales, file

Nurse, 3 pa dakip sa drug bust

Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2021 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Apat na katao kabilang ang isang nurse ang nadakip ng mga otoridad sa magkahiwalay na drug buy-bust operation kamakalawa.

Kinilala ng Police­ Regional Office 02 ang mga nadakip na sina Richard Francis Va­len­cia, 42, nurse, re­sidente ng Barangay­ Dacalla Fugu, Camalaniugan, Cagayan; Ronaldo Ali­n­gog, 26, ng Zone 4 Research, Barangay Minante 1, Cauayan City; Angelo Bodollo, 20, at Joker Solda, 27, kapwa residente ng Barangay Cabaruan, Cauayan City sa lalawigan ng Isabela.

Ayon kay P/Lt. Col. Andree Abella, taga-pagsalita ng PRO2, si Valencia na kabilang sa High Value Indivi­­dual ng pulisya ay nadakip ng pinagsanib na pwersa­ ng Camalaniugan PNP, Philippine Drug Enforcement Agency at ang Batanes Provincial Of­fice sa isang anti-illegal drugs ope­ration sa Barangay Bulala, Camalaniugan.

Nauna rito ay dina­kip din ng pinagsanib ng mga otoridad sina Alingog, Bodollo at Solda sa hiwalay na drug buy-bust operation sa Barangay San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Nasamsam sa 3 sus­­pek ang 1 heat sealed transparent plas­tic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, 2 ziplock transparent plastic sachet na nag­lalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana na may fruiting tops, 1 Caliber 38 na baril na may limang (5) bala at isang traysikel (QH­6541) na ginamit sa transaksyon.

ANDREE ABELLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with