^
Mister inatake ng migraine habang nagtatraysikel, patay
Sa report ng pulisya, alas-6:00 ng gabi ay minamaneho ng bikti­mang si Malanis Tamaken ang kan­yang traysikel sakay ang kanyang misis nang sumpungin ng kanyang sakit.
STAR/ File

Mister inatake ng migraine habang nagtatraysikel, patay

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2021 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines —  Nasawi ang isang 49-anyos na obrero matapos sumalpok sa gilid ng bundok ang minamanehong tray­sikel nang atakihin umano ng migraine sa Brgy. Man-atong, Suyo, Ilocos Sur, kamakalawa.

Sa report ng pulisya, alas-6:00 ng gabi ay minamaneho ng bikti­mang si Malanis Tamaken ang kan­yang traysikel sakay ang kanyang misis nang sumpungin ng kanyang sakit.

Dahilan para ito ay mawalan ng control sa pagmamaneho at su­memplang ang traysikel sa gilid ng kalsada at tinumbok ang mabatong gilid ng bundok.

Naidala pa sa ospital ang biktima kung saan idineklarang dead-on-arrival. Himala namang hindi nagalusan ang misis ng nasawi.

NASAWI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with