^
2 timbog ng NBI sa human trafficking
Kini­lala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Di­rector Eric Distor ang mga ina­resto na sina Joseph Carrera at Gelyn Almenario sa ikinasang ope­rasyon nitong nakaraang Lunes sa Citirock Spa sa may Arellano St., Dagupan City.
File Photo

2 timbog ng NBI sa human trafficking

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2021 - 12:00am

DAGUPAN CITY, Pangasinan, Philippines —  Inaresto ng mga tauhan ng Na­tional Bureau of Investigation (NBI) ang da­la­wang indibiduwal dahil sa pag-o-operate ng isang spa na bungad ng prostitusyon at pagbebenta ng mga babae sa mga kustomer sa Dagupan­ City, Pangasinan.

Kini­lala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Di­rector Eric Distor ang mga ina­resto na sina Joseph Carrera at Gelyn Almenario sa ikinasang ope­rasyon nitong nakaraang Lunes sa Citirock Spa sa may Arellano St., Dagupan City.

Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang NBI-Dagupan District Office (DADO) sa operasyon sa ilegal na gawain sa pag-aalok ng serbis­yong sekswal ng mga masahistang babae sa mga kustomer.

Nagsagawa ng sur­veillance operation ang NBI at nakumpirma ang ilegal na transaksyon kung saan sinisingil ang mga kustomer ng mula P1,000-P1,500 para su­miping sa isa nilang babaeng attendant. Dito nagkasa ng entrap­ment operation ang mga tauhan ng NBI kung saan isang ope­ratiba ang nagpanggap na kustomer.

Dinakma ang mga suspek na sina Carrera­, manager at Almena­rio, cashier, nang ku­ma­gat sa kanilang pain ma­karaang tanggapin ang bayad buhat sa ope­ratiba. Apat na babae ang nasagip ng NBI sa operasyon.

Nakaditine ngayon ang mga suspek sa NBI-DADO Detention Center at nahaharap na sa kasong Human Trafficking sa Dagupan City Prosecutor’s Office.

NBI
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with