^

73 NPA rebels nagbalik-loob sa gobyerno

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2021 - 12:00am

KORONADAL CITY, North Cotabato, Philippines — Pitumpu’t tatlong mga rebeldeng New People’s Army mula sa buong lalawigan ng South Cotabato ang sumuko sa  pamaha­laan at tuluyang itinak­wil ang kilusan matapos na manumpa ang mga ito sa isang sere­monya sa Koronadal City, iniulat kahapon.

Ayon kay Brig. Gen. Roy Galido, kumander ng 601st Infantry Brigade ng Army, ang mga dating rebelde ay makakatanggap ng pangkabuhayan mula sa pamahalaang lokal ng South Cotabato.

Ito ay batay na rin sa inilabas na pondo ni South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo sa pamamagitan ng Exe­cutive Order 70 ng Ma­lacañang, na kilala rin bilang kampanyang “Ending Local Commu­nist Armed Conflict”.

Dahil dito, sinimulan na nila ang pagbi­bigay ng P5.7 milyong halaga ng tulong pang­kabuhayan sa 73 mga NPA na bumalik sa batas.

Ginanap sa isang pasilidad ng gobyerno sa Koronadal City ang aktibidad.

NEW PEOPLE’S ARMY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with