^

Lalaki pumalag sa aresto, todas sa shootout

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2021 - 12:00am

CASIGURAN, Sorsogon, Philippines — Bulagta ang isang 26-anyos na bi­nata matapos na ma­kipagbarilan sa mga aarestong pulis sa kanyang kasong attempted homicide sa safehouse nito sa Brgy. Burgos ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Ang suspek na na­matay noon din dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakila­lang si Jimboy Guar­dian Miranda, ng Brgy.Obrero, Bulan.

Sa ulat, alas-3:30 ng hapon bitbit ng pulis­ ang arrest warrant na ipinalabas ni Bulan MTC Judge Emerson Carpio ay sinalakay ang pinagtataguan ng suspek.

Gayunman, palapit pa lang ang mga pulis ay pinutukan na sila umano nito kaya napilitang gumanti ang mga operatiba at napaslang ang suspek.

Narekober mula kay Miranda ang isang Glock 9mm na baril na burado ang serial number, mga bala at personal na gamit.

GLOCK
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with