^
Parak todas, 2 pa sugatan sa raid
Kinilala ang nasawing pulis na si Patrolman Emmanuel David Vales habang sugatan naman sina Sgt. James Byron Lagarto at Patrolman Mario Rapusas.
STAR/ File

Parak todas, 2 pa sugatan sa raid

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - April 22, 2021 - 12:00am

NORTH COTABATO,  Philippines — Nauwi sa madugong operasyon ng mga otoridad ang paghahain sana ng warrant of arrest laban sa isang murder suspect matapos na masawi ang isang pulis at ikinasugat naman ng dalawa pa nitong kasamahan sa Sitio Maracabak, Brgy. Guiling, Alamada ng lalawigang ito, kahapon ng mada­ling araw.

Kinilala ang nasawing pulis na si Patrolman Emmanuel David Vales habang sugatan naman sina Sgt. James Byron Lagarto at Patrolman Mario Rapusas.

Ayon kay Police Major Sunny Leoncito, hepe ng Alamada Police, ang nasawi at mga sugatang mga pulis ay kabilang sa mga sumalakay sa hideout ng suspek na si Pilong Salangan na may kasong pagpatay sa Brgy. Guiling dakong alas-3:00 ng madaling araw.

Batay sa ulat, sa halip na sumuko nang maabutan ng rading team ay mabilis na nang-agaw umano ng baril ang suspek at pinaputukan ang mga pulis na ikinasawi ni Vales at ikinasugat ng dalawa pa.

Nakaganti naman ang mga sugatang pulis at tinamaan nila ang suspek na nasa kritikal na kondisyon at kasama nila ngayong ginagamot sa ospital.

POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with