^
Hagupit ni âBisingâ: 3 na nasawi, 10 sugatan
Tauhan ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office monitor ang kilusan ng Bagyong Bising habang gumagalaw ito sa loob ng Philippine Area ng Responsibilidad noong Lunes, Abril 19, 2021.
STAR/ Boy Santos

Hagupit ni ‘Bising’: 3 na nasawi, 10 sugatan

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - April 22, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlo katao na ang naiulat na nasawi, 10 su­gatan, habang isa pa ang nawawala sa Regions 5, 7, 8, at 11, sa pananalasa ng bagyong Bising sa bansa.

Sa huling situation­ report ng National Disaster Risk Reduction­ and ManagementCouncil­ (NDRRMC) ka­hapon ng umaga, dalawa sa mga nasawi ay isang  47-anyos­ na babae sa Catmon, Cebu at isang 79-na taong gulang na lalaki sa St. Bernard, Southern Leyte na na­bagsakan ng  puno.

Samantala, 59,098 na pamilya o 229,829 na indibiduwal ang ini­ulat na apektado ng bagyo sa 944 na barangay sa Region 5, Region 8, at CARAGA.

Sa nasabing bilang, 3,848 na pamilya o 15,813 na indibiduwal­ ang inilikas sa 236 eva­cuation centers; habang 5,535 na pamilya o 21,648 na indibiduwal ang sumilong sa mga kamag-anak o kaibigan.

Halos ?46 mil­yong halaga ang iniulat na pinsala sa agrikultura at mahigit ?10-mil­yon sa imprastraktura sa Region 5 at Region 8.

Mahigit 1,000 bahay naman ang partially at totally damaged sa Region 5, Region 8, at CARAGA.

NDRRMC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with