^

34 community pantry inilunsad ng mga pulis sa Nueva Ecija

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - April 22, 2021 - 12:00am

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Nasa 34 na community pantry ang sabay-sabay na inilunsad sa Nueva Ecija na pinangunahan ni Police Col. Jaime Santos, provincial director ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) kahapon ng umaga.

Katuwang ni Santos­ sa pamimigay ng libreng­ ayuda na may slogan na “Magbigay ayon sa iyong kakayahan, kumuha ayon sa iyong pangangailangan”, ang kanyang mga chief of police sa 27 na muni­si­palidad at limang lung­sod, gayundin ang da­­lawang mobile force comman­ders.

Ayon kay Santos, nilalayon ng aktibidad na mapagaan ang epekto ng kasalukuyang pan­demya sa pamamagitan ng kusang-loob na pagbibigay ng pangunahing pagkain tulad ng bigas, gulay, at grocery sa mga taga-Nueva Ecija base sa kakayahan ng lokal na pulisya.

Iginiit ni Santos na walang kulay pulitika ang kanilang hakbang. Gayunman, hinimok niya ang iba pang mga ahensya ng gobyerno na gawin din ito upang matulungan ang pamayanan sa gitna ng pandemya.

Nagbukas na rin ang community pantry ng mga pribadong Novo Eci­jano na nagmamalasakit sa kanilang kapwa sa mga bayan ng Guimba­, Rizal, Sta. Rosa, Talavera, lungsod ng Ca­banatuan, Gapan at marami pang iba.

POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with