^

3 ‘tulak’ utas, 4 huli sa buy-bust

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - April 22, 2021 - 12:00am

COTABATO CITY Tatlong drug suspects­ ang napatay habang apat ang naaresto sa­man­talang nakatakas naman ang lider ng grupo na subject ng buy-bust operation sa inilunsad na drug operation ng otoridad sa bahagi ng Purok Paraiso, Barangay Rosary Heights sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga nasawi na sina Motalib Sanday Sumurang alias “Uting”, 35-anyos; Benjie Vilanueva Fortich, 38 at Saidamen Sumurang Kasanguan alias “Dats Duluan”, 26, pawang may mga asawa at mga residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa ulat ni Police Capt. Rustum Pastolero, hepe ng City Police Station-2, alas-10:30 ng umaga nitong Martes nang magsanib-puwersa ang pulisya at militar nang kanilang salakayin ang grupo ni Gino Sansa­­luna­ na pinaniniwalaang nag­tu­tulak ng ilegal na droga.

Ayon kay Cotabato City Director Col. Rommel Javier,  dakong alas-9 ng gabi nang magsa­gawa ng drug buy bust operation ang Police Station 2 ay sa pangu­nguna ni Captain Rustum Pastolero katuwang ang mga tauhan ng CPDEU, RACU-15, RHPU BAR, Task Force Kutawato at PDEA BARMM sa Purok Paraiso Brgy. RH-7 ng lungsod sa drug den ng mga suspek.

Ngunit natunugan daw ng grupo ni Sansa­luna na mga pulis ang kanilang katransaksyon kaya umano nanlaban.

Napilitang gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta ng pagkasawi ng tatlo, apat ang nahuli at nakatakas naman ang kanilang lider na si Sansaluna.

Narekober sa mga suspek ang isang .38 revolver, mga bala at ilang pakete ng shabu. — Doris Franche

PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with