^

Probinsiya

Opisyal ng State U, nasawi sa COVID-19

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Walang pinipili ang COVID-19 ano man ang iyong antas sa lipunan.

Ang nakapanlulumong halimbawa ay nangyari sa isang opisyal ng Isabela State University (ISU) sa bayan ng Echague na nasawi kamakalawa sanhi ng kumplikasyon sa virus nang hindi man lang naala­gaan sa hospital.

Sa kanyang pahayag sa media, sinabi ni ISU President Ricmar Aquino na nabigong ma-admit sa ospital ang kapwa niya opisyal na si vice president Jua­nito Rosini, dahil umapaw na ang mga tinamaan ng virus.

Nasuri ang nasirang opisyal ng huling linggo ng Marso at naglaon ay nagpositibo sa COVID-19 pero minabuti nitong sumailalim na lamang sa home qua­rantine hanggang sa lumala ang kanyang kondisyon.

Gayunman, nagawang maipasok ang opisyal sa isang pribadong ospital sa Santiago City subalit huli na ang lahat makaraang malagutan siya ng hininga.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with