_ngayon
^
Taxi driver binaril ng pasahero, patay!
Ang taxi driver ay na­ki­lalang si Regie Sa­­­gusay ay namatay ma­tapos na barilin ng suspek na nakilala lang sa pa­ngalang si Rudyard Gregorio.
STAR/ File

Taxi driver binaril ng pasahero, patay!

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - April 21, 2021 - 12:00am

Matapos tanggihang isakay

MANILA, Philippines — Isang taxi driver ang patay nang barilin ng pasahero na tinanggihan umano nitong isakay sa Brgy. Mayamot, Antipolo City, Rizal kamakalawa.

Ang taxi driver ay na­ki­lalang si Regie Sa­­­gusay ay namatay ma­tapos na barilin ng suspek na nakilala lang sa pa­ngalang si Rudyard Gregorio.

Lumilitaw sa ulat ng Antipolo City Police na dakong alas-4:30 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa isang car wash na matatagpuan sa Marcos Highway, Brgy. Mayamot.

Bago ang krimen ay nilapitan umano ni Gregorio si Sagusay at sinabihang ihatid siya sa kanyang patutunguhan.

Gayunman, dahil pa­uwi na ang biktima matapos ang magda­magang biyahe ay tinanggihan nitong isa­kay ang suspek.

Ikinagalit naman ito ng suspek kaya’t nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa magbunot­ ng baril at agad na pi­naputukan ang biktima.

Nang makita ng suspek na duguang bumulagta ang biktima, mabilis na tumakas patungo sa ‘di tinukoy na direksyon.

DRIVER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with