_ngayon
^
Outing tragedy sa Cavite: 2 nalunod
Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:00 ng hapon nang maganap ang pagkalunod ni Regie Oriada, 19- anyos­, residente ng Brgy. Santol, Tanza, Cavite.
STAR/ File

Outing tragedy sa Cavite: 2 nalunod

Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - April 21, 2021 - 12:00am

Sa gitna ng ipinatutupad na MECQ

CAVITE, Philippines —  Sa kabila ng ipinatutupad na modified enhanced community quarantine (MECQ) dahil sa COVID-19 pandemic, nakakalusot pa rin ang ilang mga pasaway na lumabas sa kanilang tahanan na nagre­sulta sa pagkasawi ng dalawang katao matapos na mag-outing sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:00 ng hapon nang maganap ang pagkalunod ni Regie Oriada, 19- anyos­, residente ng Brgy. Santol, Tanza, Cavite.

Nagkayayaan umano ang biktima at ilang kaibi­gan na mag-outing sa ilog na ‘di kalayuan sa kanilang lugar. Nag-dive umano ang biktima subalit hindi na lumutang.

Umabot ng mahigit sa 3-oras bago narekober ang katawan ng biktima sa kailaliman ng nasabing ilog at idineklarang dead-on-arrival na sa pagamutan.

Samantala, alas-2 naman ng hapon nang malunod ang biktimang si Daniel Cristobal, 35-anyos habang naliligo rin kasama ang mga kaibigan nang magka­yayaan na mag-outing sa Brgy. Bucal-2, Maragondon.

Ayon sa mga kaibigan, sama-sama silang nali­ligo­ nang bigla umanong lumubog ang biktima. Ina­kala lamang nilang na sumisid ang biktima subalit ilang minuto na ay hindi pa rin lumutang. Tulung-tulong nilang sinisid ang biktima hanggang sa mare­kober ang katawan nito makalipas ang may mahigit sa isang oras at hindi na rin umabot nang buhay sa pagamutan.

MECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with