_ngayon
^
Luzon at Visayas binabayo pa rin ni Bisingâ
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophy­sical and Astronomical Ser­vices Administration (PAGASA), alas-10:00 ng umaga kahapon, ang sentro ni Bising ay nasa layong 475 kilometro ng silangan ng Infanta, Quezon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 175 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng ha­ngin na umaabot sa 215 kilometro bawat oras.
PAGASA

Luzon at Visayas binabayo pa rin ni Bising’

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - April 21, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patuloy na binabayo ng bagyong Bising ang ilang bahagi ng Luzon at Visayas habang napa­natili ng kanyang lakas at mabagal na kumikilos pahilaga-hilagang kanluran ng silangan ng lalawigan ng Quezon kahapon.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophy­sical and Astronomical Ser­vices Administration (PAGASA), alas-10:00 ng umaga kahapon, ang sentro ni Bising ay nasa layong 475 kilometro ng silangan ng Infanta, Quezon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 175 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng ha­ngin na umaabot sa 215 kilometro bawat oras.

Dulot nito, nakataas ang babala ng bagyo sa Signal Number 2 sa Luzon sa silangang bahagi ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Baggao, Gattaran, Lal-Lo, Peña­blanca, Santa Teresita, Buguey, Camalaniugan, Aparri), silangang bahagi­ ng Isabela (San Pablo, Maconacon, Divilacan, Ilagan, Palanan), at Ca­tanduanes.

Sa ibang lugar sa Luzon, Signal number 1 naman ang Batanes, nala­labing bahagi ng Caga­yan kasama na ang Babuyan Islands, nalala­bing bahagi ng Isabela, Quirino, Apayao, sila­ngang bahagi ng Kalinga (Pinukpuk, Rizal, Tabuk City), silangang bahagi ng Mountain Province (Paracelis­, Na­tonin), eastern portion­ ng Ifugao­ (Aguinaldo, Alfonso­ Lista), northern portion­ ng Aurora (Baler, Dipaculao, Dinalungan, Casiguran, Dilasag), eastern portion ng Quezon (Calauag, Guinayangan, Tagkawa­yan) kasama na ang Polillo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, at Sorsogon.

Nasa Signal No. 1 sa Visayas sa Northern Samar, hilagang bahagi portion ng Samar (Matuguinao) at hilagang bahagi ng Eastern Samar (Jipapad, Arteche, San Policarpo, Oras).

Sa susunod na 24 oras, ang mga lugar na sinasalanta ni Bising at may enhanced northeasterly wind flow ay ma­giging maalon ang mga baybayin kaya’t mapa­nganib ang pumalaot sa karagatan.

Ngayong Miyerkules, ang sentro ni Bising ay inaasahang nasa layong­ 340km ng silangan­ ng Tuguegarao City, Cagayan. Sa Huwebes, nasa layong 290km ng silangan hilagang sila­ngan ng Aparri, Cagayan ang bagyo habang sa Biyernes, nasa 510km ng silangan ng Basco, Batanes.  Sa Sabado ay nasa layong 1,020km ng silangan ng Extreme Northern Luzon at sa Linggo ay lalabas na ng ating bansa.

PAGASA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with