_ngayon
^

100 senior citizens isinalang sa ‘Resbakuna’ sa Cabanatuan

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - April 21, 2021 - 12:00am

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija MANILA, Philippines — Hindi bababa sa 100 senior citizens ng lungsod na ito ang binakunahan kontra COVID-19 nitong Lunes bilang hudyat ng pagsisimula ng programang “Resbakuna” sa SM City.

Panauhing pandangal si Cabanatuan City Mayor Myca Vergara na binisita ang unang araw ng Resbakuna sa SM City Cabanatuan nang bakunahan ang unang 100 lolo’t lola gamit ang Sinovac vaccine.

Lumagda kamakailan sa isang kasunduan ang lokal na pamahalaan ng Cabanatuan City at SM City upang magsagawa ng serye ng pagbabakuna kontra COVID-19 sa mall area.

Sinabi ni Joanne Bondoc, assistant mall manager, na aktibong nakikipagtulungan ang SM sa pamaya­nan mula pa noong unang pumutok ang pandemya.

“Ang SM Foundation Inc. ay namahagi ng mga temperature scanner, personal protective equipments­ (PPEs), alcohol, food and distribution of Kalinga Packs sa iba’t ibang mga barangay at ngayon ay katuwang pa rin ang SM ng lungsod upang makapagsagawa ng vaccination para sa mga Cabanatueño,” sabi pa ni Bondoc.

COVID-19\
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with