^

Probinsiya

P2 milyong shabu samsam sa buy-bust

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CANDELARIA, Quezon, Philippines — Naghihimas na ngayon ng rehas na bakal ang isang tambay na hinihinalang kasapi ng drug group matapos na ito ay makumpiskahan ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit sa P2-M sa anti-drug operation na isinagawa ng mga operatiba ng Municipal Drug Enforcement Unit (MDEU) kamakalawa ng gabi sa Purok 1,Barangay Malabanban Sur.

Kinilala ng pulisya ang nadakip na si Mark Delfin Sarmiento, 23, binata at residente sa naturang lugar.

Isinagawa ng mga awtoridad ang buy-bust operation dakong alas-9:30 ng gabi at nabilhan ang suspek ng isang plastic sachet ng shabu.

Nakuha pa sa pag-iingat nito ang 24 na pakete ng ilegal na droga na tumitimbang ng 125 gramo at nagkakahalaga ng P2,550,000.00, isang pirasong 1,000 marked money at 14 piraso ng 1,000 boodle money.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with