^
SUV nag-dive sa irigasyon: 13 patay
Idineklarang patay sa dalawang hospital ang mag-inang Remedios Basilio, 56, at Jessabel Basilio Paycao, 27; Ju­dilyn Dumayom, 31; Sony Puking Lopez, 22; pawang magkakamag-anak at residente ng Brgy. Bulanao, Tabuk City at si Alfredo Lope, 59, na taga-Tadian.
Philstar/File

SUV nag-dive sa irigasyon: 13 patay

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2021 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Labing tatlong katao ang nasawi sa pagkalunod kabilang ang pitong paslit habang dalawa ang nakaligtas matapos mahulog sa irigasyon ang sinasakyan nilang SUV sa Barangay Bulo, Tabuk City, Kalinga noong Linggo.

Idineklarang patay sa dalawang hospital ang mag-inang Remedios Basilio, 56, at Jessabel Basilio Paycao, 27; Ju­dilyn Dumayom, 31; Sony Puking Lopez, 22; pawang magkakamag-anak at residente ng Brgy. Bulanao, Tabuk City at si Alfredo Lope, 59, na taga-Tadian.

Ang mga nasawing paslit ay sina Cydwin, 6-anyos at Cyan, 4; mga anak ni Agtulao; Marlo Gel Perena, 6; Seadarn Dumayom, 5; Jeslyn Ta­lawec Paycao, 4, at magkapatid na Scarlet, 3, at Ezverdcrick Basilio Paycao, 4, na mga anak ni Jessabel. 

Kabilang sa mga namatay ang drayber ng SUV na si Jail Officer 1 Soy Lope Agtulao, 36, ng Bureau of Jail Ma­nagement and Penology (BJMP) Baguio City.

Nabatid na ang sasakyan ay nakarehistro sa mister ni JO1 Soy na si Police Staff Sgt. Edwin Agtulao, kasapi ng Tandian Police sa Mt. Province na hindi naka­sama sa trahedya.

Ang dalawang naka­ligtas na ginagamot sa Kalinga Provincial Hos­pital ay sina Edith Andiso Perez, 51, at 10-anyos na si Cyril, isa ring anak ng nasawing kawani ng BJMP.

Ayon sa report ng Tabuk City Police, ang SUV na isang itim na Ford Everest (AAK- 9184) ay patungo sana sa Bulo Lake nang sa hindi pa natukoy na dahilan ay aksidenteng nahulog­ sa irrigation canal dakong alas-6:15 ng gabi. Naging pahirapan sa mga sumaklolo ang pagbukas sa nakapinid na pintuan ng sasakyan dahilan upang malunod ang mga lulan nito.

Nagpaabot na ng pakikiramay si Kalinga Go­vernor Ferdinand Tub­ban sa mga kaanak ng mga nasawi. Inatasan niya ang Provincial Social Welfare and Deve­lopment Office na ibigay lahat ang nararapat na tulong sa mga kaanak ng nasawi upang maibsan ang pinagdaraanan nilang pagdadalamhati. - Victor Martin at Artemio dumlao

AKSIDENTE PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with