^

Konsehal, angkas dedo sa road mishap

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang municipal coun­cilor ng bayan ng Sudipen at angkas nito ang  kapwa patay matapos bumangga sa isang steel post signage ang kanilang motorsiklo sa national highway sa Brgy. Bias, Bangar, La Union kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Sangguniang Bayan Member Edwin Belisoa, Jr., 25, at Ronald Lipurada, 26, kapwa residente ng Brgy. Ilocano, Sudipen, La Union.

Base sa imbestigas­yon ng Bangar Police, pauwi na ang mga bik­tima dakong alas-8 ng gabi sakay ng motorsiklo nang mawalan ng kontrol sa manibela si Belisoa at bumangga sa isang steel post signage.

Dahil sa lakas ng pagkakasalpok, tumila­pon ang mga biktima sa daan.

Ang dalawa ay agad na isinugod sa Balaoan District Hospital mata­pos­ ang insidente pero idi­neklarang dead-on-ar­rival si Lipurada habang binawian ng buhay ha­bang ginagamot si Be­lisoa.

ROAD MISHAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with