^

Community pantry inilagay sa loob ng Davao City Jail

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi rin nagpaawat sa pagtulong sa mga preso ang Davao City Jail matapos simulan kahapon ang paglalagay ng community pantry sa kulungan. 

Naisip ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-Davao Region na mag­lagay ng pantry sa loob ng kulungan dahil ngayong panahon ng pandemya, bawal pa rin ang pagbisita sa mga preso at puwede lamang mag-abot ng pagkain kaya ramdam umano ng iba na tila walang nakakaalala sa kanila. 

Ngunit ikinagulat ni BJMP-Davao Spokesperson Insp. Edo Lobenia, ang pagbibigay ng tulong ng mga mismong preso na nag- abot ng mga pagkain.

“May mga ilang mga PDL (person deprived of liberty) ang nag-abot ng mga biscuit at kape nila. Nakakataba ng puso na may mga ilang mga PDL na gusto rin tulungan ‘yong kapwa nilang bilanggo,” ani Lobenia.

May mga nakuhang donasyon ang BJMP galing sa iba’t ibang sektor para sa pantry.

Sa ilalim ng community pantry, maaaring mag-iwan ang mga tao ng pagkain ang iba pang produkto, na puwede namang kuhanin ng libre ng mga nanga­ngailangan.

BJMP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with