^

Probinsiya

Jeepney driver na supplier ng droga, timbog

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Jeepney driver na supplier ng droga, timbog
Kinilala ni P/Major Milo Tabernilla, chief of police dito ang nadakip na si Diomedez Nanez Sr., 58, may asawa at residente sa nabanggit na lugar.
STAR/ File

PAGBILAO, Quezon, Philippines — Nalambat ng mga awtoridad ang isang jeepney driver na hinihinalang nagsu-supply ng droga sa kanyang mga kabaro makaraang isa­gawa ang anti drug ope­ration sa Sitio Dapian, Barangay Sta. Catalina, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Major Milo Tabernilla, chief of police dito ang nadakip na si Diomedez Nanez Sr., 58, may asawa at residente sa nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng tip ang mga operatiba ng Pagbilao Police Drug Enforcement Unit tungkol sa ilegal na transaksyon ng suspek.

Batay sa Community Mobilization informant­, ang suspek ang pinagkukunan ng shabu ng ilang jeepney driver na bumi­byahe sa rutang Pagbilao-Lucena.

Nang magpositibo ang impormasyon, agad na inilatag ang buy-bust operation at nasakote ang suspek na nakumpiskahan ng 5-plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 14.03 gramo at nagkakahalaga ng P286,212, isang P500 marked money­ at mga drug paraphernalia.

vuukle comment

CATALINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with