^

Probinsiya

Halos 90% health workers sa SJDM, nabakunahan na

Pilipino Star Ngayon
Halos 90% health workers sa SJDM, nabakunahan na
Sa pinakahuling datos na inilabas ng Public Information Office (PIO) ng lungsod, mula Abril 6, 2021 ay nabakunahan na ng kanilang City Health Department ang may 3,459 residente ng SJDM mula sa kabu­uang bilang na 3,895 health workers o 88.81 porsi­yento ng kanilang target. Tumanggap ang mga health workers ng bakuna kung hindi man Sinovac ay AstraZeneca.
AFP/Robyn Beck

MANILA, Philippines — Naabot na ng lokal na pamahalaang lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM) ang halos 90 porsiyento ng kanilang target na mabakunahang mga health workers.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng Public Information Office (PIO) ng lungsod, mula Abril 6, 2021 ay nabakunahan na ng kanilang City Health Department ang may 3,459 residente ng SJDM mula sa kabu­uang bilang na 3,895 health workers o 88.81 porsi­yento ng kanilang target. Tumanggap ang mga health workers ng bakuna kung hindi man Sinovac ay AstraZeneca.

Sinabi ni SJDM Rep. Florida Robes na bagama’t target ng lung­sod­ na mabakunahan ang 70 porsiyento ng ti­­natayang isang mil­yong­­ residente upang ma­ka­mit ang kawan ng mga maililigtas sa sakit, gina­gawa nila lahat ang makakaya upang makatanggap ng bakuna ang lahat ng kanilang mamamayan upang matiyak na lahat ay protektado laban sa virus.

“No San Josen?o should be left behind in this vaccination drive and we will work hard to achieve that for the people of San Jose. We are aiming for 100 percent vaccination! This is the only way for us to move forward from this pandemic,” ayon pa kay Robes.

Nagawa rin ng lungsod na mabakunahan ang 100 porsiyento ng target nilang 220 na may comorbidities na nasa ka­tegoryang A3 na pawang nagparehistro ina-update pa ng lungsod ang mga nasa kategoryang A3, batay sa karagdagang datos at mga bagong nag­patala. Ang pagbabakuna sa may 22,039 senior citizens na nagparehistro­ upang mabigyan ng unang­ dose ay inaayos na rin.

vuukle comment

SJDM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with