^

Probinsiya

Motor nawalan ng kontrol: 17-anyos todas, 6 sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

BALATAN, Camarines Sur, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang 17-anyos na bina­tilyo habang anim ang sugatan matapos mawalan ng kontrol ang kanilang sinasakyang tricycle at rumampa sa drainage ng kalsada sa kahabaan ng highway ng Brgy. Laganac sa bayang ito kama­kalawa ng hapon.

Dead-on-the spot ang biktimang si Gregorio Magistrado Baldon habang sugatan ang mga kasamahang sina Raymark Albania Plotado,18; Jeffrey Macapad Dacoro, 21; Erwin Baldon Abalansa, 20; Dominic Nuñez Magistrado, 20; Ian Barela Culmo,19, at ang driver ng tricycle na si James Ba­landra Barela,17, pawang residente ng Zone-5, Brgy. Sto. Domingo.

Sa ulat, dakong alas-3:30 ng hapon sakay ng tricycle ang mga kabataan na minamaneho ni Barela patungong Balatan pro­per. Gayunman, pagda­ting sa palusong na ba­hagi ay nawalan ng kontrol sa manibela ang driver dahil sa bigat ng kanyang mga sakay kaya buma­lan­dra ito sa drainage at sumalpok sa riprap ng kalsada.

Patay agad dahil sa matinding pagkaka-ipit si Baldon.

vuukle comment

ERWIN BALDON ABALANSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with