^

Probinsiya

Senglot walang mabiling yelo, nagwala: Mag-asawa sugatan

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

SAN LEONARDO, Nueva Ecija, Philippines — Arestado ang isang lasing na lalaki makaraang magwala at manakit pa ng dalawang tao matapos na mairita nang walang mabiling yelo sa isang tinda­han sa Brgy. Magpapalayok ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng San Leonardo Police ang suspek na si Louie Garcia, 39, may-asawa ng nasabing barangay na dinakip ng mga barangay tanod at inihatid sa himpilan ng pulisya.

Nakilala naman ang dalawang nasaktang biktima na sina Carlos Jimeno, 56, may-asawa, may-ari ng tindahan at misis nitong si Francisca, 47.

Sa ulat, alas-8:10 ng gabi, lango na umano sa alak ang suspek nang dumating sa tindahan ng mga Jimeno at bumibili ng yelo para sa alak na Ginebra.

Ngunit sinabi ni Carlos sa suspek­ na ubos na ang kanilang yelo. Dahil­ dito,  nagalit ang suspek at imbes na umalis­ ay puwersahang pumasok sa compound ng mga Jimeno at sinuntok sa mukha ang lalaking biktima at pinalo pa umano ng mono block chair ng suspek.

Bagama’t natatakot ay namagitan naman si Francisca upang mapakalma ang suspek, ngunit siya rin umano ay pinalo ng suspek at nagtamo ng sugat sa kanyang noo.

vuukle comment

LOUIE GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with