^

Pulis-Maynila na idinawit sa ‘Bukas Kotse’ bumuwelta

Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - April 19, 2021 - 12:00am

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Philippines — Naka­takdang sampahan ng kasong administratibo sa Internal Affair Service o IAS ng Philippine National Police ang ilang miyembro ng Bulacan Police matapos na idawit na kasapi ng “Basag Kotse Gang” ang isang pulis na nakadetine sa Manila Police District (MPD).

Sa panayam kay P/Corporal Mark Edison Quinton­ ng MPD, kabilang umano sa mga sasampahan nito ng kaso sina Provincial Director Col. Lawrence Ca­jipe, Lt. Colonel Omar Fiel, hepe ng San Ildefonso Police at ilang tauhan nito dahil sa pagsisinungaling sa pinalabas sa media at police report na kasapi umano siya sa “Basag Kotse Gang”.

Magugunita na sa police report, unang inaresto sina Allen Alvarado at John Fizer Salvador, pawang taga-Tondo, Manila makaraang basagin umano nila ang isang sasakyan sa Brgy. Cruz na Daan sa San Rafael. Nakumpiskahan umano ng isang caliber 38 revolver na kargado ng dalawang bala, isang granada at 3-plastic sachet ng shabu ang dalawa habang naka­takas ang dalawa pang suspek.

Kasunod nito, nagsadya sa San Ildefonso Police­ Station si Cpl. Quinton, isang Juvito Salvador at iba pa upang alamin kung may insidente ng Bukas-Kotse sa nasabing bayan. Nagpatulong umano sa kanya ang kanilang kapitbahay upang hanapin ang kamag-anak na nasangkot sa nasabing krimen.

Nagpakilala at ipinakita umano ni Quinton ang kanyang PNP-ID at nagtanong sa mga kapwa pulis­ kung may insidenteng bukas-kotse sa nasabing bayan­ ngunit makalipas ang ilang minuto sinabi ng pulis ng San Ildefonso na nasa San Miguel ang kanilang hina­hanap, kaya nagpaalam sila para pumunta sa San Miguel Police.

Pinalabas din ng mga pulis-Bulacan na nagkaroon ng habulan sa pagitan nila at ni Quinton na lulan ng puting Ford Everest bago ang pagkakaaresto nito/

MPD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with