^
Barko nasunog at sumabog: 1 patay, 4 sugatan
Ang nasawing tripulante na nagtamo ng matinding pagkasunog ng katawan ay nakilalang si Jimlani Malib Rini habang ang mga sugatan ay sina Jilam Madda, kapitan ng bangka; Nurhan Ahamad Am­ping, mekaniko at tripulanteng si Jupakal Ahamad na pawang isinugod sa Zamboanga City Medical Center. Ang isa pang tripulante na si Mauar Hajar Haminon ay isinugod sa Brent Hospital ng lungsod.
STAR/ File

Barko nasunog at sumabog: 1 patay, 4 sugatan

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang tripulante ang natusta habang apat ang malubhang nasugatan kabilang ang kanilang kapitan at isa pa ang nawawala makaraang aksidenteng masunog hanggang sa sumabog ang isang barko na may kargang gasolina sa Petron Wharf, Baliwasan Seaside, Brgy. Baliwasan, Zamboanga City nitong Biyernes ng gabi.

Ang nasawing tripulante na nagtamo ng matinding pagkasunog ng katawan ay nakilalang si Jimlani Malib Rini habang ang mga sugatan ay sina Jilam Madda, kapitan ng bangka;  Nurhan Ahamad Am­ping, mekaniko at tripulanteng si Jupakal Ahamad na pawang isinugod sa Zamboanga City Medical Center. Ang isa pang tripulante na si Mauar Hajar Haminon ay isinugod sa Brent Hospital ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng search and rescue team ang isa pa na si Mujib Abdurasid.

Samantala, inimbitahan sa himpilan ng Zamboanga City Police Station (PS) 11 sina Benhar Idani, assistant captain at Almujil Sabital upang magbigay linaw sa naturang insidente.

Sa report ni P/Captain Edwin Duco, spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 9, alas-10:20 ng gabi nang mangyari ang pagkasunog ng M/V Saidamae na pag-aari ni Hji Salam. Ang nasabing motor launch ay may kargang 150 drums ng gasolina na nakadaong sa nasabing pantalan.

Ayon sa imbestigasyon, nag-switch on o binuhay ni Haminon ang makina ng vessel nang bigla itong umapoy at sumabog matapos na mag-ignite ito sa kargang mga gasolina.

Agad na nagresponde ang mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal ng Zamboanga City Police Station 11 at 1st at 2nd Zamboanga City Mobile Force Company kasama ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) kaya nasagip ang mga biktima at minalas na masawi si Rini at nawawala ang isa pa.

Naapula ng BFP personnel ang apoy bandang alas-6:35 na ng umaga nitong Sabado.

“Moreover, one suspected burned body was seen in front of the burned ship”, ayon pa sa report.

Tinatayang aabot sa mahigit na P2 milyon ang pinsala ng sunog.

SUNOG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with