^

Top most wanted sa Quirino, huli

Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2021 - 12:00am

MADDELA, Quirino , Philippines — Dinakip ng mga operatiba ng pulisya ang tinaguriang top most wanted ng lalawigang ito sa bahagi ng Barangay Balligui sa bayan na ito, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ng Maddela Police ang nadakip na si Martin Baday, 35, na nahaharap sa two counts of rape dahil sa panggagahasa umano sa kanyang 17-anyos stepdaughter.

Si Baday ay nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Regional Intelligence Unit 2 (RIU2), Maddela Municipal Police, Provincial Intelligence Unit at Quirino Police Provincial Office sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Ester Piscoso Flor, ng Regional Trial Court Branch 38 ng Maddela, Quirino noong Pebrero 19, 2021.

Nahaharap din si Baday sa hiwalay na kasong Acts of Lasciviousness na isinampa rin ng biktima.

POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with