^

Illegal settlers sa Subic Bay binalaan

Jojo Perez (Pilipino Star Ngayon) - April 17, 2021 - 12:00am

SUBIC BAY FREEPORT, Philippines — Binalaan ng pamunuan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na kanilang sasampahan ng kaso ang mga illegal settlers na sumasakop ng kanilang lupain.

Umapela rin si SBMA Chairman and Administrator Wilma Eisma sa mga katutubong Aeta na huwag magtayo ng kanilang mga bahay o istraktura sa kagubatan o lupang sakop ng Su-bic Bay Freeport Zone (SBFZ).

Ito ay makaraang mabisto ng SMBA ang mga itinayong istraktura sa may Tipo at Mt. Sta. Rita Naval Link Station na sakop ng Subic Bay Expressway (SFEX).

Ayon kay Eisma, ang mga ginagawang pagtatayo ng istraktura ng mga katutubo ay labag sa batas at sa kasunduan sa pagitan ng kanilang ahensya at sa kanilang tribu kaugnay sa disposiyon ng mga ancestral land sa loob ng Freeport.

“Mapapagod lang po kayo sa paglilinis ng mga lupain at pagtatayo ng mga dampa kung labag naman sa batas ang inyong ginagawa. Babaklasin lang po ng mga may awtoridad ang inyong ginawa,” ayon kay Eisma

Ayon pa kay Eisma matagal nang may umiiral na kasunduan tungkol sa mga naturang lupain o kagubatan na dapat irespeto at kilalanin ng mga katutubo upang maiwasan umano ang kaguluhan.

Nagbabala rin si Eis­ma na mapipilitan silang magsampa ng kaso laban sa mga illegal settlers upang maprotektahan ang interes at pag-aari ng kanilang ahensiya.

SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHORITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with