^

Kagawad na HVT tiklo sa buy-bust

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - April 17, 2021 - 12:00am

CUYAPO, Nueva Ecija, Philippines — Arestado ang isang barangay kagawad na sinasabing isang high value target (HVT) matapos ang ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay District 6 ng bayang ito, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Lt. Col. Erwin Ferry, hepe ng pulisya rito, ang suspek na si Kagawad Sonny Balcorta, 43, may-asawa ng Barangay Bulala ng bayang ito.

Nakatala umano ang suspek sa drug personality watchlist ng pulisya sa bayang ito.

Ayon kay Ferry, anim na araw umanong isinailalim sa surveillance ang suspek saka isinagawa ang buy-bust operation sa nabanggit na lugar, bandang alas-12:30 ng madaling-araw ng Biyernes.

Nasa 0.30 gramo ng hinihinalang shabu ang nakuha sa suspek na may halagang P2,500.

HIGH VALUE TARGETS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with