_ngayon
^

Mega drug rehab center may 400 beds para sa COVID-19 patients

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - April 16, 2021 - 12:00am

NUEVA ECIJA, Philippines — Naglaan ang gobyerno ng 400 higaan para sa COVID-19 patients sa mega Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (DATRC) sa Nueva Ecija.

Ito ay para matulungan ang umaapaw na bilang ng mga pasyente na may COVID-19 sa mga ospital sa National Capital Region at kalapit na mga probinsya.

Ayon kay Dr. Nelson Dancel, DATRC medical chief, ang Bureau of Qua­rantine ang pansamantalang nagpapatakbo sa nasabing mga kuwarto na tinawag na Temporary Treatment and Monitoring Facility (TTMF),

Sa ngayon, mayroong 90 pasyente ang TTMF kabilang ang mga sundalo.

Tuloy naman ang ope­rasyon ng DATRC sa ilalim ng Department of Health (DOH) para sa mga ginagamot dahil sa problema sa droga, habang may sari­ling staff naman ang TTMF.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with