^
COVID-19 variants pasok na rin sa Isabela at Apayao
Dahil dito, nagkukumahog ngayon ang awtoridad sa biglaang pagtaas at pagkalat ng COVID-19 sa Luzon matapos matunton ang tatlong klase ng variants nito sa Isabela, Apayao at Kalinga nitong nakaraang tatlong araw.
AFP/Anthony Wallace

COVID-19 variants pasok na rin sa Isabela at Apayao

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - April 14, 2021 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines — Matapos na matukoy ang apat pang kaso ng COVID-19 variants sa Kalinga, nakapasok na rin ang nasabing mas nakahahawang sakit sa mga lalawigan ng Isabela at Apayao.

Dahil dito, nagkukumahog ngayon ang awtoridad sa biglaang pagtaas at pagkalat ng COVID-19 sa Luzon matapos matunton ang tatlong klase ng variants nito sa Isabela, Apayao at Kalinga nitong nakaraang tatlong araw.

Kinumpirma ni Cagayan Valley Director­ Rio Magpantay na tat­long kaso ng COVID-19 sa Isabela ang may taglay na variant na ipinabatid ng Philippine Gnome Center (PGC) noong Abril 10.

Dalawa ang nakitaan ng UK variant sa Ilagan City habang sa Sta. Maria ay isa ang nagtaglay ng South African variant. Ang tatlo ay nakarekober na noong Marso.

Ayon kay Magpantay, nakuha ng tatlo ang virus na nagtataglay ng variant mula sa local transmission.

Sa Apayao, dala­wang­­­ kaso sa Conner ang na­kitaan ng P3 va­riant ng PGC noong Linggo. Ang dalawa ay pawang nagrekober na rin noong nakaraang buwan.

Mula naman sa da­ting dalawang kaso ng UK variant, dumagdag pa ang apat sa Kalinga na nakitaan ng UK va­riant noong Lunes. Da­lawa rito ay mula sa kabisera ng Tabuk City at tig-isa sa Pasil at Rizal.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with