^
Pulis, 3 pang âbasag-kotseâ nasakote sa Bulacan
Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe ang apat na suspek na sina P/Cpl. Mark Edison Quinto, nakatalaga sa Manila Police District Allen Alvarado at residente ng Quiricada at Brgy. 1185, Bongavilla St., pawang sa Tondo, Manila; John Fizer Sal­vador ng Brgy. 29, Tondo, Manila; at Juvito Salvador ng Brgy. 29, Tondo, Manila.
STAR/File

Pulis, 3 pang ‘basag-kotse’ nasakote sa Bulacan

Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - April 14, 2021 - 12:00am

MALOLOS CITY, Philippines — Arestado ang apat na miyembro ng “Liber Paulino Basag-Kotse Group” kabilang ang isang pulis-Maynila na isinagawa kamakalawa ng gabi sa Brgy. Garlang, San Ildefonso, Bulacan.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe ang apat na suspek na sina P/Cpl. Mark Edison Quinto, nakatalaga sa Manila Police District Allen Alvarado at residente ng Quiricada at Brgy. 1185, Bongavilla St., pawang sa Tondo, Manila; John Fizer Sal­vador ng Brgy. 29, Tondo, Manila; at Juvito Salvador ng Brgy. 29, Tondo, Manila.

Sa inisiyal na imbes­tigasyon, nakita ni Mel­quiades Silencio na binabasag ng apat na lalaki ang salamin ng kanyang puting Ford Ranger habang naka­parada ito sa Brgy. Cruz na Daan, San Rafael, Bulacan dakong alas-7:00 ng gabi.

Agad na nagsumbong ang biktima sa pinakamalapit na Police Community Precinct at inalarma ang lahat ng posibleng daanan ng mga suspek.

Bunsod nito, naha­raang at unang naaresto sina Alvarado at Salvador sa inilatag na Qua­rantine Control Point na sakay ng itim na Yamaha NMAX, habang sina Chrismelle Chico at isang alias Saddam ay mabilis na nakatakas.

Narekober sa da­lawa ang isang cal. 38 revolver, isang granada at taong plastic sachet ng shabu.

Ilang sandali pa, nag­punta si P/Cpl. Quinto kasama si Juvito Salvador sa istasyon ng pulis sa San Ildefonso at nagpakilalang mga parak na may hinahanap na kamag-anak umano nila na napagbintangang “Ba­sag-Kotse Gang”. Nang hanapan sila ng Police ID, mabilis na tumalilis ang dalawa sakay ng Ford Everest.

Nasabat sina Quinto at Salvador sa QCP sa San Miguel, Bulacan, at nang sumailalim sa interogasyon ay lumabas na mga miyembro sila ng Basag-Kotse group na nag-ooperate sa Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija at Tarlac.

ARESTADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with