^
3 patay sa ambush sa Cotabato City
Kinilala ang mga nasawi na sina Norma Dalimbang Sapi, residente ng Datu Odin Sinsuat at Ali Abdulrahim Tamal, nakatira sa Shariff Aguak; pawang sa Maguindanao habang ang batang lalaki ay wala pang pagkakakilanlan. Ang tatlong biktima ay idinekarang dead-on-the-spot sa lugar dahil sa mga tinamong mga tama ng bala.
STAR/ File

3 patay sa ambush sa Cotabato City

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - April 14, 2021 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Tatlo ang patay kabilang na ang isang batang lalaki matapos na tambangan at pagbabarilin ang sinasakyan nilang kotse sa Brgy. Rosary Heights 11, Cotabato City kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Norma Dalimbang Sapi, residente ng Datu Odin Sinsuat at Ali Abdulrahim Tamal, nakatira sa Shariff Aguak; pawang sa Maguindanao habang ang batang lalaki ay wala pang pagkakakilanlan. Ang tatlong biktima ay idinekarang dead-on-the-spot sa lugar dahil sa mga tinamong mga tama ng bala.

Sa ulat mula kay Col. Rommel Javier, director ng Cotabato City Police, dakong alas-10 ng umaga habang binabagtas ng mga biktima ang nasabing lugar sakay ng kulay berde na Toyota Vios nang sila ay paulanan ng bala.

Dahil dito, inatasan na ni Police Brig. Gen. Eden Ugale, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ang mga tauhan nitong magsagawa ng masusing pagsisiyasat hinggil sa nasabing krimen.

DATU ODIN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with