^
Lider ng Dawlah Islamiya utas sa raid
Kinilala ni PNP chief General Debold Sinas ang nasawing terorista na si Usop Nasif alyas “Abu Asraf” na sub-leader ng DI-ISIS Lanao at No. 2 Man ni Abu Zacaria.
Facebook/NCRPO

Lider ng Dawlah Islamiya utas sa raid

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - April 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang lider ng Dawlah Isla­miya (DI) terrorist group habang pitong pulis at isang sundalo ang suga­tan makaraang mauwi sa engkuwentro ang ginawang pagsalakay ng pulisya at military sa hideout ng una sa Barangay Guimba, Ma­rawi City, Lanao Del Sur kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni PNP chief General Debold Sinas ang nasawing terorista na si Usop Nasif alyas “Abu Asraf” na sub-leader ng DI-ISIS Lanao at No. 2 Man ni Abu Zacaria.

Nabatid na isisilbi ng mga operatiba ang arrest warrant laban kay Abu Asraf sa kasong murder at frustrated murder nang manlaban ang huli kasama ang ilan pang mga armadong kasamahan.

Tumagal ng 30 mi­nuto ang palitan ng putok hanggang sa bu­mulagta si Abu Asraf habang walo sa raiding­ team ang nasuga­tan­­ at tumakas naman ang mga kasahaman ni Abu Asraf.

Dinala pa sa Amai Pakpak Medical Center­ si Abu Asraf, pero idi­neklara nang patay.

Nakuha sa lugar ang isang Glock 17 Pistol, mga pampasabog, at isang motorsiklo.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with