^

Misis kinatay ng selosong mister!

Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - April 14, 2021 - 12:00am

DUPAX DEL SUR, Nueva Vizcaya, Philippines — Ka­rumal-dumal ang si­napit ng isang misis sa kamay ng kanyang selosong mister matapos siyang pagtatagain na parang hayop sa loob ng kanilang tahanan nasa liblib na lugar ng Barangay Biruk, dito, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ng Dupax del Sur Police ang nasawing misis na si Lucia Cadpino, 49-anyos, habang nadakip ng mga awtoridad ang mister nito na nahaha­rap sa kasong­ parricide na si Abance, 49, magsasaka­, at kapwa residente ng Sitio Awitan, Dupax del Sur.

Sa imbestigasyon, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa na nauwi sa pananaga ng mister sa kanyang misis nitong Linggo dakong alas-7:00 ng umaga. Madalas umanong mag-away ang mag-asawa dahil sa pagdududa ng mister na may ibang lalaki ang kanyang misis. Sila ay may 10 anak at malayo sa mga kapitbahay at kabihasnan.

Nabatid na inabot ng halos 3-oras ang mga operatiba ng pu­lisya sa paglalakad bago ma­rating ang bahay ng mag-asawa. Dito, nakita ng mga opisyal ng barangay na unang rumes­ponde ang duguang bangkay ng biktima at naabutan nila ang suspek sanhi ng kanyang pagkakaaresto saka na­rekober ang itak na ginamit nito sa pagpatay sa misis.

DUPAX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with