^

Bebot binoga ng kinakasama dahil sa P.4 milyong utang

Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - April 14, 2021 - 12:00am

SOLANO, Nueva Vizcaya, Philippines — Isang ginang ang inoobserbahan sa pagamutan matapos magtamo ng mga sugat nang pagbabarilin ng kanyang kinakasama dahil umano sa malaking utang sa Brgy. San Juan ng bayang ito kamakalawa.

Kinilala ng Solano Police ang biktima na si Rosemarie Mariano, 49, habang ang suspek ay si Eusebio Pinkihan; kapwa residente sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, dakong alas-4:00 ng madaling araw habang natutulog si Mariano kasama ang kanyang anak nang dumating ang kanyang live-in partner at agad siyang sinita dahil umano sa utang nito na nagkakahalaga sa P400,000.

Nauwi ang komprontasyon ng dalawa sa mainitang pagtatalo hanggang sa kumuha ang suspek ng hindi pa natutukoy na kalibre ng baril at walang kaabog-abog na pinaputukan ang kinakasama.

Agad na isinugod ng mga rumespondeng mga opisyal ng barangay ang biktima sa Region 2 Taruma and Medical Center (R2TMC) matapos tamaan ng bala sa kamay, pisngi at braso.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos isa­gawa ang tangkang pagpatay sa live-in partner.

SOLANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with