_ngayon
^

Top 3 ‘most wanted’ sa Region 3 nasakote

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - April 14, 2021 - 12:00am

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Matapos­ ang halos 10-taong pagtatago sa batas, bumagsak sa kamay ng pulisya ang isang 51-anyos na lalaki na nakatalang top 3 most wanted person sa Gitnang Luzon, matapos itong madakip ng pulisya sa Barangay Sumacab Norte ng lungsod na ito, kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Lt. Col. Barnard Danie Dasugo, hepe ng pulisya rito, ang naarestong suspek na si Alberto Soriano Jr., may-asawa ng Barangay Sumacab Norte, Cabanatuan City.

Si Soriano ay wanted sa 2-counts of rape at acts of lasciviousness sa menor-de-edad na anak ng kanyang live-in partner noong 2012.

Matapos ang ilang araw umanong surveillance, nadakip ang suspek ng Cabanatuan City Police, bandang alas-9 ng umaga.

Hinuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Johnmuel Romano RD Mendoza ng Regional Trial Court Branch 26 sa Cabanatuan City. — Raymund Catindig

HEPE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with