^

Probinsiya

Gasolinahan niransak: Higit P.6 milyong tangay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Gasolinahan niransak: Higit P.6 milyong tangay
Kinilala ang nadakip na si Richard Cañedo, 41-anyos, ng Kaunlaran 2, Brgy. Molino 3, Bacoor City habang tinutugis ang isa pa na nakilalang lamang sa alias “Bay”.
STAR/ File

CAVITE, Philippines — Isa sa da­lawang lalaki ang ares­tado matapos na looban ang isang gasolinahan at limasin ang mahigit sa P.6-milyong halaga ng pera at mahahalagang gamit kahapon ng madaling araw sa Brgy. Molino 3, Bacoor City.

Kinilala ang nadakip na si Richard Cañedo, 41-anyos, ng Kaunlaran 2, Brgy. Molino 3, Bacoor City habang tinutugis ang isa pa na nakilalang lamang sa alias “Bay”.

Sa ulat ng pulisya, alas-2 ng madaling-araw nang iransak ng dala­wang suspek ang PTT Gasoline Station na pag-aari ni Ceferina Qui­lala, 64. Pinagtulungang wasakin ng mga suspek ang glass door ng cashier booth at ang da­­lawang opisina ng ga­so­linahan saka kinuha ang mga pera at mahahalagang gamit nasa P666,100 ang halaga.

Ayon sa empleyada na si Leona Jean Benghit, pagpasok niya sa gasolinahan, dakong alas-8 ng umaga ay agad niyang napansin na wasak na ang glass door ng booth at kanilang opisina. Agad niya itong itinawag sa may-ari at inireport sa pulisya.

Nakunan naman ng CCTV ang pagpasok ng mga suspek sa gasoline station kaya sila nakilala ng mga awtoridad.

Sa follup operation, naaresto ng mga pulis ang isa sa mga suspek habang pinaghahanap pa ang isa pa.

vuukle comment

PTT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with