^

68 reams ng puslit na sigarilyo, nasabat

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - April 12, 2021 - 12:00am

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija , Philippines — Arestado ang isang 20-anyos na lalaki makaraang mahulihan ng 68 reams ng peke at smuggled cigarettes sakay ng isang traysikel sa Brgy. Sto. Niño 3rd ng lungsod na ito, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni P/Lt. Col. Criselda de Guzman, hepe ng pulisya rito, ang inarestong suspek na si John Kevin Vicencio, jobless at may-asawa ng Barangay Andal Aliño, Talavera, NE.

Ayon kay De Guzman, dahil sa sumbong ng isang concerned citizen na nakabili ng pekeng sigarilyo sa suspek, agad na rumesponde ang mga pulis at natiyempuhan ang suspek na sakay ng isang tricycle sa natu­rang lugar, alas-10:30 ng umaga.

Nakita ng pulisya sa loob ng tricycle ang 68 reams o katumbas ng 680 kaha ng mga branded na sigarilyo na aabot sa halagang P17,052.

Hinanapan umano ng pulisya ng kaukulang dokumento si Vicencio ngunit walang maipakita kaya siya dinakip. 

SMUGGLED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with