^
âMass graveâ sa mga nasawi sa COVID-19, ikinakasa sa Cagayan
Ayon kay Cagayan Gov. Manuel Mamba, walang crematorium sa rehiyon upang tumugon sa pangangailangang dispatsahin ang labi ng mga mamamatay sa CO­VID-19 sakaling mapuno ang mga sementeryo na gaya sa mga ospital ay wala nang bakante.
Jesse Bustos

‘Mass grave’ sa mga nasawi sa COVID-19, ikinakasa sa Cagayan

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - April 11, 2021 - 12:00am

Mga sementeryo malapit nang mapuno

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Naghahanda na ang mga lokal na pamahalaan sa Cagayan para sa paghuhukay ng pangkalahatang paglilibingan o “mass grave” dahil sa pinangangambahang pag-apaw ng mga sementeryo bunsod ng walang puknat na bilang ng mga pumapanaw dahil sa COVID-19 ngayong Abril.

Ayon kay Cagayan Gov. Manuel Mamba, walang crematorium sa rehiyon upang tumugon sa pangangailangang dispatsahin ang labi ng mga mamamatay sa CO­VID-19 sakaling mapuno ang mga sementeryo na gaya sa mga ospital ay wala nang bakante.

Ayon kay Mamba, umabot na sa 27 ang COVID deaths sa Cagayan sa unang araw ng kasalukuyang buwan.

Nakaranas din ng matinding dagok ang lungsod na ito na sa kabila ng ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay nakalasap pa ng pitong kamatayan dahil sa virus sa loob lamang ng 24-oras noong Huwebes.

Sa tala ng Provincial Health Office, 74 na ang kabuuang bilang ng mga namamatay sa virus sa Cagayan at 28 dito ay Tuguegarao City.

Dahil dito, sinabi pa ng gobernador na nararapat na maghanda ang probinsya ng isang lugar na paghihimlayan ng mga nasawi dahil sa COVID-19 upang hindi kalat ang pagtukoy nila sa paglalagyan sa mga ito.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with