^
131 preso, 6 jail officers tinamaan ng virus
Ayon sa ipinalabas na ulat ng Provincial Health Office kamakalawa, patuloy ang kanilang pagsasagawa ng swabbing sa 464 inmates, jail offi­cers at staff ng nasabing piitan na nagpapakita ng sintomas ng COVID-19.
Efigenio Toledo IV

131 preso, 6 jail officers tinamaan ng virus

Jojo Perez (Pilipino Star Ngayon) - April 11, 2021 - 12:00am

BALANGA CITY, Bataan, Philippines —  May 131 inmates at anim pang personnel ng Balanga City Jail ang tinamaan ng COVID-19 dahilan upang magpatupad na ng lockdown ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa bayang ito.

Ayon sa ipinalabas na ulat ng Provincial Health Office kamakalawa, patuloy ang kanilang pagsasagawa ng swabbing sa 464 inmates, jail offi­cers at staff ng nasabing piitan na nagpapakita ng sintomas ng COVID-19.

Sinabi naman ni PHO head Dr. Rosanna Buccahan, ang 131 na preso at anim na jail officers na nagpositibo sa virus ay mula sa naunang 234 na bilang na sumailalim sa swab test.

Naka-isolate na ang mga nagpositibo sa virus sa loob ng compound ng jail habang nakahiwalay ng lugar ang mga preso na mayroong comorbidities. Naka-quarantine na rin ang ibang bilanggo na walang sintomas at hindi pa sumasailalim sa COVID-19 testing.

Sa kabila nito, tiniyak ni Bataan Gov. Abet Garcia na ginagawa na ng lokal na pamahalaan ang lahat upang masiguro ang kapakanan ng mga bilanggo at jail personnel.

BJMP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with