^
Municipal administrator, 11 pang sugarol tiklo
Unang nadakma sina Taquiqui at Guillermo Baccay, 72, na isang retiradong pulis. Nahuli rin sina Estela Marie Balinoyos, 25, at Elena Soriano, 52, na kapwa public school teachers; Pablo Addun Jr., 52, barangay kagawad sa lugar at pito pang indibiduwal.
STAR/ File

Municipal administrator, 11 pang sugarol tiklo

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - April 11, 2021 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Isang municipal admi­nistrator at 11 pang sugarol na karamihan ay may katungkulan sa gobyerno ang dinakip ng awtoridad sa paglabag sa umiiral na panuntunan ng qua­rantine at pagsusugal sa Brgy. Andarayan south, Solana, Cagayan noong Biyernes.

Ayon kay Major Joefersson Gannaban ng Cagayan Police Office, nangyari ang pagsalakay sa compound ni Municipal Administrator Narciso Taquiqui, 82-anyos dakong alas-2:00 ng hapon.

Unang nadakma sina Taquiqui at Guillermo Baccay, 72, na isang retiradong pulis. Nahuli rin sina Estela Marie Balinoyos, 25, at Elena Soriano, 52, na kapwa public school teachers; Pablo Addun Jr., 52, barangay kagawad sa lugar at pito pang indibiduwal.

Nasamsam sa lugar ang limang set ng baraha, tatlong lamesa at isang dosenang ­upuan na pawang gamit sa ni-raid na pasugalan ng opisyal.

Ayon kay Gannaban, isinagawa ang ope­rasyon sa teritoryo ni Taquiqui matapos silang makatanggap ng reklamo sa mga residente dahil sa matinding banta ng kalusugan.

JOEFERSSON GANNABAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with