^

605 health workers sa Bulacan nabakunahan na ng 2nd dose

Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - April 11, 2021 - 12:00am

MALOLOS CITY, Bulacan MANILA, Philippines — May kabuuang 605 na Bulakenyong health workers ang naturukan na ng ikalawang dose ng bakuna laban sa COVID-19 habang 22,603 pa ang nabigyan na ng unang dose ng bakuha.

Ayon sa ulat ni Dr. Hjordis Marushka Celis, Provincial Health Officer II at Cluster Head ng Response Operations Cluster, sa ginanap na Provincial Task Force on COVID-19 meeting sa pamamagitan ng Zoom application kamakalawa ng gabi, tumanggap ang Bulacan ng 38,849 do­ses ng bakuna para sa unang dose kung saan 18,430 ang AstraZeneca at 19,949 ang CoronaVac mula sa Sinovac Biotech; at 18,900 na Sinovac para sa second dose.

Gayundin, iniulat ni Dr. Celis na nakapagsagawa na ang mga laboratoryo ng COVID-19 sa lalawigan ng 70,561 swab tests kung saan 16% ang positivity rate o 11,083.

Nanawagan naman si Gobernador Daniel Fernando sa mga kapwa lingkod bayan na ma­ging mapanuri sa pinanggagalingan ng tamang impormasyon para sa kapakinabangan ng lahat ng Bulakenyo. Nilinaw niya ang ilang paratang na hindi naglaan ng pondo ang Pamahalaang Panlalawigan para sa paunang order ng bakuna at sinabi na sinunod niya ang payo ng pamahalaang nasyunal na gugulin ang pondo ng Pamahalaang Panlalawigan sa ibang proyekto dahil mayroon na silang nakalaang pondo para sa pagbabakuna ng 70% ng populasyon ng Pilipinas upang makabuo ng herd immunity.

BAKUNA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with