^

2 NPA nahirapan sa bundok, sumuko

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - April 11, 2021 - 12:00am

USON, Masbate, Philippines — Boluntaryong bumaba sa kabundukan at sumuko sa pulisya at militar ang dalawang kasapi ng New People’s Army (NPA) matapos umanong makumbinsi na magbalik-loob na sa pamahalaan sa Brgy. Bonifacio ng bayang ito kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ang mga komunistang sumuko na si Edgar Fernandez Pante alyas “Ka Marlon”, 44-anyos at Jenelyn Lequigan Marangi alyas “Ka Bea”, 31, na in-charge sa pagli­limbag ng mga propaganda materials at extortion letter ng NPA na nasa ilalim ng pamamahala ni Kumander Elisio “Ka Kiko” o “Ka Raymond” Cabarles ng Kilusang Larangan Grupo 1, L2, KP4 Comprob-Masbate na may pangunahing operasyon sa Ticao Island,1st District ng lalawigan, Masbate City; Mobo, Milagros at bayan ng Uson.

Sa ulat, ilang negosasyon ang ginawa ng mga pulis at sundalo hanggang makumbin­sing sumuko ang dalawang rebelde. Dakong alas-12 ng tanghali ay bumaba ng kabundukan ang dalawa at sila’y sinundo ng magkakatuwang na mga tauhan ng Uson Police, Regional Intelligence Unit 5, Provincial Intelligence Unit, 503 Regional Police Safety Batallion, Provincial Mobile Force Company, 96 Military Intelligence Company at 2nd Infantry Battalion ng Philippine Army.

Kasamang isinuko nina Ka Marlon at Ka Bea ang isang kalibre 45 baril, magazine, mga bala at mga subersibong dokumento. 

MASBATE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with