^

Probinsiya

Fitness center sa Subic ipinadlock

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
Fitness center sa Subic ipinadlock
Sinabi ni SBMA De­puty Administrator for Health and Safety Ronnie Yambao na pansamantalang naka-padlock ang Victory Gym and Athletic Club sa loob ng 2-linggo bilang parusa sa unang paglabag nito.

Sa paglabag sa health protocols

SUBIC BAY FREEPORT, Philippines — Ipinasara ng pamunuan ng Subic Bay Metropolitan Autho­rity (SBMA) ang isang kila­lang gym and fitness center sa freeport dahil sa paglabag sa umiiral na health protocols upang labanan ang pagkalat ng COVID-19.

Sinabi ni SBMA De­puty Administrator for Health and Safety Ronnie Yambao na pansamantalang naka-padlock ang Victory Gym and Athletic Club sa loob ng 2-linggo bilang parusa sa unang paglabag nito.

Ang naturang hakbang ay bunsod ng mga reklamo na nakarating sa kanilang tanggapan­ na mayroong mga customers ng naturang gym na hindi nagsusuot ng face mask at hindi rin umano ipinatutupad ang social distancing.

Sa ilalim ng SBMA Board Resolution No. 20-11-1843, nakasaad na mayroong kaakibat na parusa ang sinu­mang­ lalabag sa ipinatu­tupad na health proto­cols and standards. Sa unang paglabag ay pa­patawan ng temporary closure sa loob ng dalawang linggo habang sa ikalawang paglabag ay suspension ng Certificate of Registration and Tax Exemption (CRTE) sa loob ng anim na buwan at ang ikatlo ay kanselasyon na ng CRTE ng establisimyento.

Nagpatupad din ang SBMA Board ng multang P1,000 para sa mga indibiduwal na mahuhuling walang suot na face mask at face shield sa mga pampublikong lugar sa unang­ paglabag habang P2,000 sa ikalawang paglabag at P5,000 sa ikatlo at mga susunod na paglabag.

vuukle comment

COVID-19

HEALTH PROTOCOLS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with