^

Probinsiya

Higit 700K Bulakenyo tumanggap ng ayuda

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

PULILAN, Bulacan, Philippines — Nagsimula nang tumanggap ng P1,000 cash bilang ayuda mula sa pamahalaan ang unang­ 735,058 na Bula­kenyo mula sa pondong ipinadala ng Department of Budget and Management (DBM) sa mga pamahalaang lokal, para sa mga pinakamahihirap na pamilyang naapek­tuhan ng umiiral na en­hanced community Qua­rantine (ECQ).

Kabilang sa mga unang benepisyaryo ay ang 454 na mga taga Brgy. Sta. Pereg­rina sa Pulilan. Isa rito si Leonardo Antilio, 72 taong gulang, isang ma­ralitang magsasaka na nasiraan din ng mga pananim at bahay ng bagyong Ulysses noong Nobyembre 2020. Tumanggap siya ng halagang P4 na libo na pakikinabangan ng walong kasapi ng pa­milya. Aniya, malaking tulong ang natanggap na biyaya upang ipambili ng kanilang pagkain dahil wala silang ikinabu­buhay mula nang masi­raan ng tanim.

Ayon kay Ma. Cristina Domondon, team leader at municipal link ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), bahagi sila ng 90,027 na taga-Pulilan na benepisyaryo na nilaanan ng P90 milyon.

Batayan ng DSWD ang Local Budget Circular 136 ng DBM kung saan nagkakahalaga ng P4,000 ang ipagkakaloob sa may apat o higit pang miyembro ng pamilya habang tig-P1,000 kung isa hanggang tatlo ang kapamilya.

Sa Obando, kasalukuyan na ring ipinagkakaloob ang ayuda sa may 48,136 na mga bene­pisyaryo at sa 596,895 na mga taga-San Jose Del Monte.

vuukle comment

ECQ

SAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with