^

Probinsiya

Bigtime ‘tulak’ pumalag, todas sa shootout

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

P3.4-milyong shabu nasamsam

PILI, Camarines Sur, Philippines — Bulagta ang isang bigtime na tulak ng droga na dumayo pa para magbenta ng shabu matapos na makipagbarilan sa mga pulis sa ginawang buy-bust operation sa Sitio Pag-asa,Brgy.San Agustin ng bayang ito kamakalawa ng umaga.

Dead-on-the-spot matapos mapuruhan ng punglo sa katawan ang suspek na kinilalang si Ronitz Villar Ybanez, 43-anyos, itinuturing na high value individual, residente ng Tondo, Maynila at kasalukuyang naninirahan sa Iriga City.

Ayon sa ulat, dakong alas-8:15 ng umaga nang kumagat si Ybanez sa buy-bust operation na inilatag laban sa kanya ng mga kasapi ng Regional Special Operation Unit ng Regional Intelligence Division 5, Provincial Intelligence Unit at Pili Police.

Nang i-abot ng suspek ang biniling isang ma­laking sachet ng shabu na tumitimbang ng 500 gramo at nagkakahalaga ng P3.4 milyong piso sa posuer buyer at confidential agent ay nakahalata ito na mga pulis ang katransaksyon kaya mabilis na bumunot ng baril at pinutukan ang mga operatiba. Gumanti ng putok ang mga pulis dahilan para mapuruhan ang suspek at nasawi.

Nakuha sa lugar ang nasabing shabu, P500,000 boodle money, isang kalibre 38 baril at mga drug paraphernalia.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with