_ngayon
^

5 arestado sa ‘pot session’

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2021 - 12:00am

QUEZON, Nueva Ecija, Philippines — Limang kala­la­­kihan, kabilang ang isang 14-anyos na bina­tilyo ang dinampot ng pulisya makaraang ma­aktuhang nagpa-pot ses­sion ng hinihinalang shabu sa isang tagong lugar sa Barangay San Andres 2, ng bayang ito, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga na­arestong suspek na si Jorrel Anthony Cabardo, 23, binata; Danilo Alvarez, 52; at Danilo Ha­vana, 63, pawang mga taga-Muntinlupa City; Melecio Ocampo, 40, may-asawa ng San Quintin, Pangasinan; at ang grade 8 pupil na 14-anyos na taga-Brgy. Poblacion North, Science City of Muñoz.

Ayon kay P/Staff Sgt. Rowell De Guzman, may hawak ng kaso, kanilang dinakip ang mga suspek habang nasa kalagitnaan umano ng ‘pot session’ sa hindi tinukoy na bahay sa nasa­bing lugar, bandang alas-12:30 ng Huwebes ng madaling-araw.

Isa umanong concerned citizen ang nag­timbre sa pulisya ng nangyayaring ‘sesyon’ doon kaya’t agad na rumesponde ang special drug enforcement unit (SDEU) ng Quezon PNP, katuwang ang SDEU ng Licab Police­ station, kung saan ka­nilang hinuli ang mga suspek.

Tatlong piraso ng plastic sachet ng uma­no’y shabu at iba pang mga drug paraphernalia­ ang nakumpiska ng oto­ridad sa lugar.

ROWELL DE GUZMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with